Friday, July 30, 2010

MGA PAGHAHANDA AT PAALALA SA MGA PILIPINO SA SOUTH KOREA

by PHILIPPINE EMBASSY

link
http://www.philembassy-seoul.com/ann_details.asp?id=343

• Pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang lahat ng Pilipino na manatiling panatag at laging handa sa anumang sitwasyon. Ugaliing manood ng telebisyon, makinig ng radio at magbasa ng mga pahayagan tungkol sa mga kaganapan sa Korean Peninsula.


• Mabuting malaman ang pangalan at telepono ng pinuno ng Filipino Community sa inyong lugar. Maaaring makipag-ugnayan sa Embahada para sa mga detalye.

• Ang mga numero ng mga serbisyong pampubliko sa inyong distrito, munisipyo o siyudad ay maaari ring tawagan para sa kaukulang impormasyon na maari ninyong kailanganin. Ang lokal na kapulisan ay maaring makontak sa numero 112 at hilingin na mailipat ang inyong tawag sa dibisyon na nangangasiwa sa Ugnayang Panlabas (Foreign Affairs Division). Ang pinakamalapit na migrant centersa inyong lugar ay maaaring lapitan.

• Sa mga Pilipinong may mga anak sa Korea, makabubuting makipag ugnayan sa mga Punong-guro ng mga paaralan kung saan nag-aaral ang mga bata at magtanong tungkol sa paghahanda ng paaralan para sa mga pangyayaring hindi inaasahan. Alamin kung papaano maipapaabot sa mga magulang ang ganitong mga kaganapan at siguraduhing tama ang nakalistang numero ninyo sa paaralan.

• Makabubuting ang lahat ay laging handa sa anumang pangyayaring hindi inaasahan. Ang mga importanteng dokumento patungkol sa inyo, sa inyong hanapbuhay at inyong mga pamilya ay dapat nakasilid sa isang bag na madaling makuha at nalalaman ng lahat ng kasama sa bahay.

• Para sa mga katanungan, maari kayong makipag ugnayan sa anumang hotline numbers ng Embahada 010-9365-2312 o 010-9263-8119 at POLO Hotline number 010-4573-6290.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Hot Sonakshi Sinha, Car Price in India