Kabayan, Kapuso, Kapamilya basahin mo ito medyo mahaba pero makabuluhan ang mensaheng ito nang isang kapwa Pilipino makikilala mo ang mga tunay na Bayani ng bansang Pilipinas.
Message:
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW. At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ...
Nais ko ring ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito. Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga nurses sa U.S., Canada, Europa at Australia; Doctors, Engineers at Managers sa Middle East, Teachers sa Texas at iba pang Estado ng America; Caregivers sa U.K. at Canada; Domestic Helpers sa Italy; Chef sa mga Luxury Cruises; Accountants sa Singapore at Hongkong siguro ay mas malaki ang sweldo kumpara sa ibang OFW, but to say that they're rich is a fallacy (amen!). Pero alam niyo ba mas marami ang naghihirap na OFW mas marami ang nagsasakripisyo kumpara sa maginhawa ang buhay sa ibang bansa iilan lang ang sinusuwerte ilan lang may sariling apartment or flat, ilan lang ang nakakatulog nang mahimbing.
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga tao sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollars, riyals o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang. Alam niyo ba ang hirap nang pagkaroon ng green card sa America ang iba napipilitang mag asawa nang itim o puti matupad lang ang American dream. Sa Canada kailangan mong mag antay ng dalawang taon bago ka makauwi para lang ma antay mo ang residents’ visa status mo kahit namatayan ka na o magkasakit mag titiis ka, sa Italy kailangan mong mag antay ng amnesty mula sa gobyerno nang Italia para may legal na papel ka, alam mo ba ang tirahan ng mga Pilipino sa Italia siksikan sila grabe minsan sampu sa isang maliit na kuwarto parang sardinas. Gayon din sa gitnang silangan minsan kailangan mo pang magmakaawa sa sponsor mo para bigyan ka ng exit/re-entry para lang makauwi ka ng Pilipinas. Ang iba nagpapalit pa nga ng relihiyon para lang magkaroon ng magandang position sa kumpanya. Alam niyo ba ang istorya ng mga babaing naabuso sa Jordan, UAE, Saudi Arabia , Qatar , Kuwait at marami pang bansa sa Middle East . Madaming nabubugbog nang malulupit na among Egyptian, Jordanian at Arabo, ang mga nagagahasa na pakarami kahit nga lalaki pag napagtripan ka o malasin ka babastusin ka minsan pa nga na re-rape din. And for sure di lang bakla ang nagagahasa pati mga tunay na lalaki ganon kahayop ang mga yan at ganon kahayok sa laman ang mga walanghiyang yan samahan mo pa ng mga Pakistani at Indianong mababaho. Ganon kahirap ang buhay nila sa Gitanang Silangan. Ang mga factory worker sa Taiwan nakikipag sapalaran kahit ibang pangalan ang ginagamit sa passport para lang makabalik sa trabaho kahit mag loan pa sila makapagbigay lang ng placement fee na di bababa sa 100K. Ang mga entertainer sa Japan alam niyo ba ang hirap na pinagdadaanan nila masasabing mayaman ang bansang hapon pero marami din ang demonya diyan hayok sa laman di lahat ng entertainer sa Japan ay nag papatable or nag papatakeout pero ang iba ay wlalang choice kapit sa patalim. Ang daming pinagdaaanang sakripisyo nang mga OFW na tanging OFW lang ang nakakaalam.
Salamat na lang talaga sa TFC ng ABS-CBN at Pinoy TV ng GMA kahit papaano napapawi ang lungkot ng mga Pinoy. Buti na lang at may Jollibee na sa America , Brunei , Hongkong , Saudi Arabia . May Chowking na din sa Dubai at Abu Dhabi , Goldilocks, Max’s, Red Ribbon Gerry ’s Grill at maraming pang iba sa California . Laking tulong ng mga ito para mapawi ang lungkot na dinadala ng mga OFW.
Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang napanot at kalbo na sa dami ng stress na pinag dadaanan nila. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis.. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong hirap ang pinag dadaanan, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak adik o nabuntis/nakabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion . Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.
Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?
Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, mangga at bagoong, lechon na may mang tomas, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy mapa Regal, Viva, Star Cinema, GMA kahit pa Seiko yan, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag nagkukuwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga. Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Buti pa si Manny Pacquiao laging pogi kay Ginang Arroyo sa mga Senador at Congressman sana ganon din sila ituring natin silang tunay at Buhay na Bayani isipin na lang natin kung wala sila pano ang Ekonomiya ng ating Bansa ang Bansang kanilang pinakakamahal.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!! Proud ako sa iyo.
Nagmamahal,
Juan Dela Cruz
source: sulyapinoy
Instructions to Passers of 10th EPS-KLT
10 years ago
3 comments:
Howdy! I simply would like to give a huge thumbs up for the
great info you’ve got right here on this post.
I will likely be coming back to your blog for extra soon.
my web page; morphology phonology syntax semantics pragmatics
Hey! I just would like to give an enormous thumbs up
for the nice info you’ve gotten here on this post.
I will probably be coming back to your weblog for extra soon.
My blog post ... http://www.seomoz.org/beginners-guide-to-seo/how-search-engines-operate
Good day! I simply wish to give an enormous thumbs up for
the great information you might have here on this post.
I can be coming back to your blog for extra soon.
Also visit my web-site - daycab semi trucks for sale in florida
Post a Comment