Friday, August 3, 2012

SOUTH KOREA,MINIMUM WAGE FOR 2013

Sa Susunod na Taon, KRW4,860/oras ang Napagdesisyunang Minimum Wage - Inanunsiyo ng Ministry of Labor & Employment, 8.1 - o Napagdesisyunan na ng Ministry of Labor & Employment (MOEL) na itakda ang minimum wage para sa susunod na taon sa KRW4,860 para sa bawat oras. Ito ay ginawaan ng notipikasyon noong nakaraang Agosto 1. m Ang ipatutupad na halaga ng minimum wage sa susunod na taon ay itinakda base sa deliberasyon at desisyon ng Minimum Wage Council of Korea noong ika-30 ng Hunyo na siya namang pinagdebatihan sa loob ng 10 araw simula noong ika-6 ng Hulyo sa pagitan ng mga organisasyon ng mga unyon ng mga manggagawa. o Sa susunod na taon, base sa orasang sahod gamit ang minimum wage (KRW4,860) at ang pangunahing oras sa pagtatrabaho (8 oras), lumalabas na ang arawang sahod ay nasa KRW38,880. Samakatuwid, para sa 40 na oras na pagtatrabaho sa isang linggo, ang buwanang sahod ay aabot sa KRW1,015,740. m Ang minimum wage ay kinakailangang suriin base sa regular, pare-parehong at permanenteng ibinibigay na buwanang sahod lamang. m Sa ebalwasyon ng minimum wage, hindi isinasama dito ang mga overtime pay, bonus at iba pang mga benefits na ibinibigay ng kumpanya sa mga manggagawa. o Sangayon sa datos ng Minimum Wage Council of Korea, sinasaklaw ng ipatutupad na minimum wage (KRW4,860) ang 14% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa o 2,582 na manggagawa. * Ang nabanggit na minimum wage (KRW4,860) ay ipatutupad sa susunod na taon 2013.01.01 ~ 2013.12.31. Maaaring makita ang orihinal na anunsiyo sa wikang Koreyano sa website ng MOEL (http://news.moel.go.kr/newshome/mtnmain.php?sid=&stext=&mtnkey=articleview&mkey=scatelist&mkey2=25&aid=2818&bpage=1)

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Hot Sonakshi Sinha, Car Price in India